author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

Is it really over?

It's over. But I don't know kung for real na ba talaga toh, or another drama dala na emotion. Ewan ko. Bat nga ba kami nagbreak? Eto kasi:

Sa totoo lang, ang tagal tagal ko nang pinagiisipan yung pakikipagbreak sa kanya kasi bawal nga sa church. Si God muna ang unahin i-serve. Tapos, isama narin yung ibang dahilan na lagi niya akong pinagsisinungalingan. Kagaya nalang kanina, hindi siya tumatawag. Sobrang hindi naman siya ganun. Dinahilan pa niya na nasa church daw kasi ako. Yun pala sa huli, nalaman ko nandun pala kasi mga pinsan niya sa bahay, birthday kasi ni Gerard, yung kapatid niya.

Okay lang naman sana yun. Pero yung magsinungaling? Ito pa ha. Pinapatawag ko siya pero ang tigas niya. Ayaw tumawag kasi daw nandun mga pinsan niya. Pag-alis nalang daw. Kung ganun rin naman pala, edi bahala siya sa buhay niya. Ano yun, ise-set aside muna ko? Hindi naman sa selfish ako pero wag naman niya iparamdam sakin yung ganun.

Oo lagi nga kami magkasama. Oo, lagi kami magkausap. Pero hindi yun yung point eh. Kapag may ibang tao ng involve dapat baliwala na ko? I mean.. last priority?

Isa pang dahilan, kahit kami parang hindi naman kami. Ako nalang lagi gumagawa ng dahilan para maging romantic relationship namin? Siya wala lang? Ano yun. Edi sana pader nalang binoyfriend ko. Hindi ko maramdaman na "girlfriend" ako. Alam niyo yun. Hindi ko maramdaman na minamahal ako. Parang lahat ng bagay, pangkaraniwan lang. Ordinaryo. Pati mga kilig moments, kailangan hanapin ko muna o hingiin ko muna bago ko maramdaman. Isang malaking kalokohan. Ito ba ang tinatawag na relasyon? Kung ganto lang rin yun wag nalang.

Hindi sapat ang salitang mahal kita. Hindi nakukuha sa salita ang pagmamahal. Dapat dalawa ang kumikilos. Hindi iisa lang. Siya pa mandin yung lalaki. Basta, ayoko na muna. Ayoko na muna. Nakakapagod rin kasi. Para kong tumatakbo ng tumatakbo pero wala naman akong pinapatunguhan. Kalokohan diba?
Monday, August 15, 2011 (12:55 AM)

Next | Back