author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

Sorry Na Nga Ba?


Hindi na bago sating lahat ang salitang “SORRY NA.” Kadalasan, yan ang paboritong linya lalo na ng mga in a relationship. Pero, alam pa nga ba natin ang tunay na kahulugan ng sorry? O masyado na nga bang naabuso ang salitang ito?

MAY 2 URI NG TAONG NAGSOSORRY.


1. Sorry na para tapos na ang problema. Ito yung pagsosorry na ang dahilan lang ay matapos na ang problema at magkaayos na. Yung pagsosorry na hindi naman bukal sa loob pero alam mong kailangan mo magsorry para wala ng gulo. At higit sa lahat nagsosorry ka lang para lang masabing nagsorry ka, dahil kailangan e. O dahil pag hindi ka nagsorry, hindi na matatapos pa ang away. Sa madaling  salita, labas sa ilong. Kaya ano? Kadalasan hindi naman talaga naayos yung problema. Maaring maging okay kayo at the moment, pero ilang araw lang ang makalipas, ganun na naman. Walang pinagbago. Worst is, lumalala pa lalo ang sitwasyon.

2. Sorry na, inaamin kong nagkamali ako. Ito yung pagsosorry na inaamin mo ang nagawa mong kasalanan. Walang halong pride, walang halong echos. Bukal sa loob. At sa pagsosorry mong yun, nakakaramdam ka ng bigat dahil nakagawa ka ng mali sa ibang tao o sa mahal mo. Yung may realization na hindi mo na ulit dapat gawin yun. Yung may pagsisisi. At meron kang sense ng pagbabago dahil hindi ka nagsosorry for formality lang. Nagsosorry ka dahil alam mong nagkamali ka at nakasakit ka.

Labels:

Friday, September 23, 2011 (11:34 PM)

Next | Back