author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

I Love You, Goodbye

Dear Gerome,

Una sa lahat, maraming salamat. Malaki pasasalamat ko sa Diyos nung dumating ka sa buhay ko. Hindi ko inakalang may magmamahal sakin ng gaya ng pagmamahal mo. Sobrang saya ko nung dumating ka. Dun ko napatunayan, na hindi lahat ng lalaki parepareho. Na hindi lahat ng lalaki, kagaya ng tatay ko. Minahal mo ko ng higit pa sa sarili mo. Ginagawa mo ang lahat mapasaya mo lang ako. Inalagaan, pinagsilbihin mo ko sa loob ng mahigit apat na taon. Sobrang swerte ko sayo.

Pero may mga bagay pala talagang hindi panghabang buhay. Masakit man, kailangan ko na lang tanggapin na wala na. Masakit man isipin, wala akong magawa kasi alam kong kasalanan ko rin naman. Masyado kong naging harsh sayo. Masyado kong inabuso ang pagmamahal mo.


Nakita ko naman kaya mo na. Okay na sakin yun. Wala akong kahit anong sama ng loob sayo, promise. Gusto ko lang maging masaya ka. At sana pagnakita mo na yung babaeng para talaga sayo, sana hindi ka niiya saktan gaya ng mga sakit na naranasan mo habang tayo.


Sorry. Sorry kung hindi ako naging isang mabuting girlfriend sayo. Sorry kung sarili ko nalang lagi iniisip ko. Sa maraming beses, nasabihan kita ng mga masasakit na salita. May panahon pang namura kita. Sorry kung sa bawat kilos mo, nagtatampo ako. Sorry kung ang daming demands sayo, tapos pag di ko nakuha nagagalit ako. Sorry kung ang dami kong expectations. Sorry, alam kong sobrang nasaktan na kita. Sorry kung bumaba yung tingin mo sa pagkatao mo. Siguro sobrang sama ng loob mo sakin ngayon. Sana mapatawad mo ko. Sorry talaga.

Hindi ko alam pano ko makakabayad sa lahat ng sakit na naiparamdam ko sayo. Ang tanging paraan nalang na alam ko ay tuluyang umalis sa buhay mo. Para di na mas lumalim pa ang sakit. Dahil kahit ano sigurong gawin nating ayos, ang sira na, sira na. Ayusin man natin, masisira't masisira parin.

Limang araw na simula nung naghiwalay tayo. Inaamin ko, sa limang araw na yun umaasa ako na baka may text ka sa cellphone ko o missed call. Pati sa facebook lagi kong chine-check na baka online ka. Kung sinosino pinagtatanungan ko para lang malaman kung pumasok ka. Tuwing paggising ko, umiiyak ako. Bago matulog, ganun parin. Wala naman kasi akong ibang pwedeng gawin kundi umiyak nalang. Sa limang araw na yun, nakita kong kaya mo. Kasi dati oras lang ang lumipas, hindi mo na ko kayang tiisin. Tatawag ka kaagad. Pero siguro nga ganun na kalalim yung sakit na naramdaman mo sakin. Sabi mo nga "Di ka pa ready mag-girlfriend nung niligawan mo ko."

Ayoko ng guluhin ka pa. Ayoko ng mas masaktan ka pa. Kaya siguro mas mabuti na nga yung ganito. Pero gusto kong malaman mo na, hindi man ako naging mabuting girlfriend sayo, minahal kita ng buong-buo. Minahal kita sa paraan na alam ko. Pinangarap ko na ikaw na makasama ko sa habang buhay ko. Pinangarap ko na magkaroon ng maraming magagandang alaala kasama ka at makasama ka hanggang sa pagtanda. Pero mukhang hindi tayo yung laan para sa isa't-isa. Masakit man, pero siguro kailangan tanggapin ko nalang. Para sa mas ikabubuti nating dalawa.

Mahal na mahal kita. Wala kong pinagsisisihang nakilala kita. Maraming maraming salamat sa apat na taon at walong buwan n naging bahagi ka ng buhay ko. Hindi kita makakalimutan, habang buhay.  Buh-bye. :'(

I love you,
Grace

Labels: , , , ,

Wednesday, October 12, 2011 (3:31 PM)

Next | Back