author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

Cool Off

I've finally got the courage to say na pahinga muna kami. So yun, hindi man siya pumayag nung una pero naconvince ko rin. Sabi ko sa kanya bigyan niya ko ng one week mag-isa. One week makapag-isip. My reason?

First: Hindi ko maramdaman yung pagiging boyfriend niya sakin. Most of the time, dinedemand ko pa sa kanya yung mga bagay-bagay na dapat na ginagawa niya as a boyfriend. Tapos ang masakit pa dun, rejected pa ko kadalasan. O diba? Great! Mas mabuti pang kumuha nalang ako ng robot, tapos iprogram ko na "Hey, do this for me blablabla." Hindi dapat ganto eh. Ayoko ng dinedemand ko sa kanya yung mga bagay para lang gawin o sabihin niya. Dapat it comes out naturally. Dapat alam niya ang mga dapat at hindi dapat niyang gawin at sabihin. Pero bakit ganto? Oo, sigura nga I'm just not contented.. but that's because he's not giving enough.

Second:  It's just that I can't feel the love between us anymore. Yung parang ordinaryong tao nalang kami sa isa't-isa. Nothing special. Nothing sweet. Nothing magical. More on parang everyday "buddy" ko nalang siya. Kasabay kumain, kasama kahit saan. Pero hindi dapat dun magtatapos ang lahat. Hindi porket magkasama kami palagi enough na yun para masabing we're in a relationship. Walang na kaming connection. Wala ng kilig. At ang masama pa dun, puro nalang sama ng loob. Yan, dyan kami magaling.. sa pag-aaway and unresolved issues.

Third: Baka hindi ko na siya mahal? I'm not yet so sure about it. Kaya nga ako nanghingi ng space. To find myself. Para pakiramdaman kung ano na ba talagang status ng heart ko. Kasi, honestly, hindi ko talaga alam. Or I'm afraid, baka alam ko pero ayoko lang buksan ang isip ko sa realidad.

Naguguluhan talaga ako. Sana itong cool off na toh, sana makatulong. Sana makatulong na marealize niya na hindi habang buhay na sa kanya ako para matuto niya akong pahalagahan at lalong para malaman ko kung mahal ko pa nga ba talaga siya.


Labels: , ,

Sunday, January 22, 2012 (11:30 AM)

Next | Back