author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

A Letter To The Most Important Person In My Life

Huli na siguro to Gerome. Seryosohin mo man ako o hindi, last na toh.

Alam ko hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo naman ako sinusubukang intindihin. Sa lahat ng mga nangyari nung mga nakaraang araw, sinubukan ko lahat isipin.

Sa lahat ng mga pagsigaw mo sakin, at mga nasabi mong masasakit.. ramdam na ramdam na ko kung ano lang ako sayo.. Kung mahal mo ako, hindi mo ako basta basta sisigawan lang dahil sa simpleng pagtatampo ko. Masakit pa dun, yung mga sinabi mo..

Siguro nga trying hard lang ako sa paningin mo. Siguro nga nagpopost lang ako para Makita ng mga lalaki at pag pyesthan mga pictures. Siguro nga ganun lang ka-cheap ang tingin mo sakin. Pero rerespetuhin ko yan, dahil opinion mo yan.

Di ko lang matanggap dahil gaya ng sabi ko sayo, akala ko kasama kita sa pangarap ko. Akala ko ikaw ang number 1 supporter ko. Mali pala ako. Ikaw pa pala ang huhusga sakin ng ganun. Sa totoo lang di ko matanggap na sayo pa mismo ng galing yung mga salitang yun. Sayo pa na, boyfriend ko. Sayo pa na taong pinaka mahal ko sa lahat ng tao sa mundo. Mas minahal ko pa higit sa nanay o kapatid ko. Bakit sayo pa? Pero salamat narin dahil nalaman ko. :’(

Sinasadya mo man o hindi, minimean mo man o hindi.. sinabi mo parin.. wala na ako dun kung dahil lang galit ka kaya mo nasabi yun. Ang point ko, nasabi mo parin sakin yun.. Kahit anong gawin ko.. di ko makalimutan. Di ko matanggap.

Pero dahil dun, naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganto tayo. Kung saan ang pwesto ko sa puso mo. Hindi mo masasabi yung mga yun kung sobra sobrang takot kang masaktan ako dahil mahal mo ko. Tama ka, di ko naman kailangan ikumpara ako.. Kasi unang una, may pwesto ba talaga ako?

Nagpapasalamat parin ako na nakilala kita. Marami rin akong natutunan mula sayo. Marami rin akong na experience kasama ka. Marami rin naman tayong magandang ala-ala kahit papaano. Mamimiss ko yung mga jokes mo na out of the blue. Mamimiss ko yung pakikinig mo sakin sa mga mahahaba kong kwento. Sa pakikinig mo sakin sa mga kinaiinisan kong tao. Sa mga pagpapatawa mo sakin. Mamimiss ko lahat yun. Mamimiss kita.

Nagpapasalamat din ako sa pamilya mo, dahil kahit papano tinanggap nila ko. Sa mommy mo, sa ate mo, kay iyad, sa mga pinsan mo, sa lolo mo.

Pasensya ka na dahil lagi nalang ako nagtatampo sa maliit na bagay. Wala ng magtatampo sayo. Wala ng magbabawal sayo. Wala ng mago-oras sayo. Wala ng magseselos. Wala ng magmumura. Wala ng paulit ulit.Minahal kita higit pa sa kahit kanino. Marami pa akong gustong sabihin pero it nalang.. Sorry. Salamat.

Tama sila, walang pang habang buhay. Lahat tayo mamatay din. Lahat ng bagay, natatapos. Lahat may expiration date. Ito na siguro yun.

Labels:

Tuesday, March 27, 2012 (1:37 AM)

Next | Back