author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

Mahal Mo Pa Kaya Talaga Ako?

Lahat ng pagpapasensya ginagawa ko, lahat ng pag-uunawa at pagpapakumbaba.. kasi mahal kita.

Madalas, tinatanong ko sarili ko, "Mahal mo pa kaya talaga ako?" Pakiramdam ko kasi, hindi na. O baka naman nasanay lang ako sa pagmamahal na  pinaramdam mo sakin dati. Yung gagawin mo ang lahat para sakin, gagawa ka ng paraan para makita ako at yung takot kang mawala ako. Ni hindi na nga yata ako importante sayo.

Ngayon kasi parang masaya ka naman na nasayo ako. Pero okay lang din sayo kahit mawala ako. Masakit. Dahil ako, di kita kayang bitawan ng basta-basta nalang. Kahit gaano pa kalaki yung away, ipaglalaban ko kung ano man yung meron tayo.

Pero siguro kapag dumating ulit yung panahon na ayawan mo ulit ako. Hindi na kita pipigilan. Sobrang sakit man. Bibigay ko sayo kung ano ang magpapasaya sayo. Dahil kung magsasama lang tayo pero ako nalang yung kumakapit, dadating at dadating yung araw na pagtuluyan mo akong binitawan, tuluyan nadin akong madudulas.

Pero sa ngayon kakapit lang muna ako. Sa ngayon, mamahalin kita sa paraang alam ko.
Sunday, September 30, 2012 (4:33 AM)

Next | Back