author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

Wala Na Bang Pag-ibig?


I‘m not feeling happy. I feel so unimportant and unloved. Feeling ko hindi niya na talaga ako mahal. Hindi ko na maramdaman. Madalas, sinasawalang bahala niya lang feelings ko. Ni hindi siya marunong magsorry pagnagagawan niya ako ng mali. Ni hindi niya ako nilalambing kapag di ko hinihiling.

Wala na ba? Hanggang dito na nga lang ba? Lahat naman ginawa ko. Lahat naman sinubukan ko. Kahit mahirap. At kahit madalas nasasaktan ako pinipilit kong intindihin. Pero hanggang kelan? Hanggang san ko kaya? Mahal ko siya ng higit pa sa buhay ko at di ko talaga alam kung pano mabuhay ng wala siya. Sinakripisyo ko lahat, makasama ang siya. Wag lang siya mawala. Nagbago ako. Lahat para sa relasyon namin. Lahat para sa kanya. Dahil di ko talaga kayang mawala siya. Ganun siya kahalaga.

Pero anong gagawin ko kung di na niya ako mahal. Tama na siguro yung minsqng nagpakababa ako at nagpakababa wag niya lang ako iwan. Dahil alam ko nung una na nasa akin talaga ang pagkakamali, na ako talaga ang may pagkukulang. Pero ngayon, ginawa ko lahat para mapunan ng lahat bg pagkukulang ko. Minahal ko siya at inintindi ng higit pa sa kaya ko. At kung pipiliin niya paring iwan ako, di ako magiging madamot. Ginawa ko na ang parte ko. Baka siguro di niya na talaga ako mahal. Baka lang ganto talaga.

Masakit isipin. Nakakabaliw. Nakakamatay.
Friday, October 26, 2012 (10:36 PM)

Next | Back