author love stuffies affies
Your short name . Your teenage . Anythings? put here >,<
tumblrfacebooktwitter
+ FollowHome

put your cbox here : width 240

Mi Ultimo Adios

Noong dumating ka sa buhay ko naramdaman ko yung pinakasagad at pinakamalaking pagmamahal na pwede kong maramdaman sa buhay ko. Sobrang binago mo ang buhay ko. Kaya nung sinabi mo sakin na “di mo naman talaga gustong magkagirlfriend, na di mo naman ‘toh plano at ayaw mo talaga magkagirlfriend” parang paulit ulit akong sinasaksak. Ang sakit malaman na isa lang pala akong “hindi sinasadya sa buhay mo.” Pagkatapos ng limang taon, pagkatapos ng lahat lahat ng pinagsamahan natin, ang sakit sakit marinig ang mga yun mula sayo.
Noong panahon na dumating ka sa buhay ko, di ko rin pnlano. Pero ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, di ko man ito pnlano. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin, kailanman di ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko. Ang sakit sakit. Na parang isa lang pala akong malaking pagkakamali sa buhay mo.
Sa loob ng anim na buwan, pinilit ko namang itama ang mga pagkakamali ko. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting girlfriend sayo at mapatunayan na kaya kong magbago wag ka lang mawala sakin. Ginawa ko ang lahat.
Pero may mga bagay lang siguro talagang hindi pwedeng ipilit. Kahit ano sigurong gawin ko, wala na rin siguro mangyayari. Parang pinagsisiksikan ko lang yung sarili ko sa taong di naman ako gugustuhiin kahit anong gawin ko. Sinubukan kong lumaban. Dahil di ko kayang mawala ka sa buhay ko. Pero kung ito talaga ang magpapasaya sayo, handa akong isuko ang laban ko para sa laban mo.
Mahal kita. Sundin mo lang ang puso mo. Maraming maraming salamat. Gusto ko ng ibigay sayo kung ano ang magpapasaya sayo, mahal ko. Kung ito man ay ang mawala na talaga ako sa buhay mo, magpaparaya ako. Dahil mahal kita. Ang gusto ko lang maging masaya ka. Pasensya ka na sa lahat ng pangit na idunulot ko sa buhay mo.
Ikaw lang ang buhay ko. Pagpatuloy mo lang yung mga bagay na magpapasaya sayo. Mahal na mahal kita.
Saturday, November 3, 2012 (9:28 PM)

Next | Back